Cardinals makikisalo sa liderato vs Red Warriors
MANILA, Philippines — Target ng Mapua University na makisalo sa liderato sa pagharap nito sa University of the East sa pagpapatuloy ng 12th FilOil Flying V Preseason Cup ngayong araw sa The Arena sa San Juan City.
Magtitipan ang Cardinals at Red Warriors sa alas-4:30 ng hapon habang lalarga naman ang duwelo ng University of the Philippines at Emilio Aguinaldo College sa alas-12:30 ng tanghali.
Masisilayan din ang bakbakan ng Adamson University at Jose Rizal University sa alas-2:15 gayundin ang laban ng Colegio de San Juan de Letran at San Sebastian College-Recoletos sa alas-6:30 ng gabi.
Nakahimpil ang Mapua sa No. 2 spot tangan ang malinis na rekord kasalo ang reigning UAAP champion Ateneo de Manila University na may parehong 4-0 kartada sa Group A.
Nangunguna ang De La Salle University na may imakuladang 5-0 baraha.
Sa juniors, maghaharap ang Mapua-Malayan High School at San Beda High School sa alas-10 ng umaga. (CCo)
- Latest