^

PSN Palaro

Prediksyon wa epek kay Sultan

Virgi Tia-Romano - Pilipino Star Ngayon

LOS  ANGELES, California — Hindi apektado si Jonas Sultan ng mga prediksiyong pumapabor kay IBF superflyweight champion Jerwin Ancajas sa kanilang 12-round match sa Sabado sa Fresno.

Ayon kay Edito Villamor, chief trainer ni Sultan, hindi makakabawas ng kumpiyansa nila ang mga prediksyon o opinyon hinggil sa laban.

Dahil wala naman aniyang makakaalam kung ano ang magiging resulta ng laban. At ang mahalaga ay pinaghandaan nilang mabuti ang kalaban.

“Ok lang ‘yon. Wala naman kaming problema sa  mga predictions, iba-iba naman ang opinion sa mga tao,” ani Villamor.

Una nito, nagbigay ng prediksiyon sina former world champion Gerry Peñalosa at trainer Nonito Donaire Sr. na parehong pumabor kay Ancajas.

“Wala naman sigurong maniniwala na mananalo si Jonas, pero kami we work hard for this fight at nasa kundisyon naman si Jonas, we will just wait and see na lang sa Sabado kung sino ang mananalo,” wika pa niya, na katuwang sa paghahanda kay Sultan ang kapatid na si Edmund.

Katunayan, upang mapaghandaang mabuti si Ancajas ay nauna ng dalawang linggo sa pagtungo sa Amerika ang Team Sultan, upang masanay sa panahon at makapagpokus nang todo para sa laban.

vuukle comment

JERWIN ANCAJAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with