^

PSN Palaro

Caligdong tinapik ng Perpetual

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Desidido ang University of Perpetual Help System Dalta na mabawi ang korona sa football sa National Collegiate Athletic Association.

Ito ay matapos kunin ng pamunuan ng unibersidad si Azkals legend Emelio “Chieffy” Caligdong bilang bagong football head coach.

Tiwala ang Altas na madadala ni Caligdong ang malalim nitong karanasan sa Las Piñas-based squad na naglalayong kunin ang unang titulo sa loob ng mahigit dalawang dekada.

Pinalitan ni Caligdong si Aaron Carlos Nebreja.

Nagwagi ang Perpetual Help booters ng dalawang NCAA titles noong 1989 at 1996 ngunit bigo nang makakuha ng kampeonato sa mga sumunod na taon.

Kaya naman umaasa ang Altas na malaki ang maitutulong ni Caligdong na nagretiro na sa national team noong 2014.

“We feel that a legend like Chieffy Caligdong could help us revive out football program and possibly win us an NCAA championship if not this year, but in the near future,” wika ni Perpetual Help team owner Dr. Antonio Tamayo.

Inihayag ni Tamayo na ilang manlalaro mula sa Barotac Nuevo sa Iloilo ang dadalhin ni Caligdong para palakasin ang lineup ng Perpetual Help.

Ang Iloilo ang isa sa itinuturing na pinagmumulan ng mahuhusay na football players sa bansa.

“He will bring in se­veral players from Barotac Nuevo and we’re excited of the team’s future already,” dagdag ni Tamayo.

vuukle comment

NATIONAL COLLEGIATE ATHLETIC ASSOCIATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with