^

PSN Palaro

Hidilyn bumuhat ng ginto

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Hidilyn bumuhat ng ginto
Hidilyn Diaz

La Torre muling nanalasa sa pool

NAGA, Cebu  , Philippines  —  Anim na buwan nawala sa aksyon si Hidilyn Diaz matapos sumabak sa 2017 International Weightlifing World Championship sa Anaheim.

Ngunit kahapon ay tila hindi kinalawang ang 2016 Olympic Games silver me­dalist sa kabila ng matagal na pagkakabakante.

Bumuhat si Diaz ng total lift na 205-kilograms mula sa 90kg sa snatch at 115kg sa clean and jerk para angkinin ang gold medal sa Open division ng weightlifting competition ng 2018 Philippine National Games kahapon dito sa Naga Covered Court.

“Happy naman ako sa performance ko kasi iyon talaga ang target namin ni coach,” sabi ng 27-anyos na tubong Zamboanga City na tumimbang ng 57.2kg na mas mabigat sa ideal weight na 53kg.

Tinalo ni Diaz para sa gintong medalya ang kanyang Zamboanga City teammate na si Dessa Delos Santos na bumuhat ng 170kg at Daryl Banania (119kg) ng Quezon City.

“Magda-diet ako for the 53 kilograms kasi talagang malaki ang chance kong manalo sa Asian Games,” wika ni Diaz, pansamantalang huminto sa kanyang pag-aaral sa College of St. Benilde para tutukan ang paghahanda sa quadrennial event sa Indonesia sa Agosto.

Sa swimming, idinagdag ng 16-anyos na si Camilo La Torre ng General Santos City sa kanyang naunang dalawang nako­lek­ta ang ginto sa boys’ 400m Individual Medley mula sa oras na 5:08.81.

“Medyo nakapagpa­hinga na po ako nang maayos,” sabi ni La Torre, inangkin ang mga gold medal sa 100m freestyle (57.87) at 1,500m freestyle (18:21.03) sa Day One noong Linggo bagama’t ilang oras lamang naka­tulog matapos duma­ting noong Sabado ng gabi mula sa GenSan.

Nasikwat naman ni Kelsey Claire Jau­dian ng GenSan ang kanyang ikalawang gold me­dal matapos ma­nguna sa girls’ 400m IM sa kanyang bilis na 5:37.46.

Sa Day One ay kinubra ni Jaudian ang ginto sa girls’ 800m freestyle (10:26.07).

Ang iba pang nagbulsa ng ginto sa kanilang mga events ay sina Samuel John Alcos ng Davao City sa boys’ 50m breaststroke (30.97), Charllyn Romanos ng Bohol Province sa girls’ 50m breaststroke (37.68), Lean Ysidore Dagum ng Koronadal City sa boys’ 100m butterfly (1:03.55) at Kevin Troy Dagum ng Koronadal City sa boys’ 200m backstroke (2:21.45).

vuukle comment

2016 OLYMPIC GAMES

2017 INTERNATIONAL WEIGHTLIFING WORLD CHAMPIONSHIP

HIDILYN DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with