Peñalosa: Ancajas by decision
REDONDO BEACH, Ca. -- Sino kina IBF superflyweight champion Jerwin Ancajas at challenger Jonas Sultan ang itataas ng reperi ang kamay matapos ang laban?
“Of course, very good fight. Ancajas by decision,” walang gatol na prediksiyon ni former two-time world champion Gerry Peñalosa, bunsong kapatid ni ex-two time world champion Dodie Boy.
Ayon kay Peñalosa, 47, naging WBC superflyweight at WBO bantamweight champion, base sa husay, angat si Ancajas, pero inaasahan niyang lalaban ng pukpukan si Sultan dahil mas gutom ito.
“Yes, skills-wise angat si Ancajas. But Sultan is more hungry, that's why he will give a good fight,” paliwanag pa ni Peñalosa, na abala ngayon sa pagpapatakbo ng kanyang boxing & fitness gym sa iba't ibang lugar sa Manila.
Hindi naman nagbigay ng prediction ang dati ring world champion na si Luisito Espinosa.
“Hindi ko kasi sila nasubaybayan, hindi ko napanood laban nila, kaya goodluck na lang sa kanilang dalawa,” sambit nito.
Itataya ni Ancajas ang 115-pound belt sa Mayo 26 sa Save Mart Center sa Fresno, Ca. tatlong oras na biyahe mula rito. Ito ang ikalimang pagkakataong idedepensa ng 26 anyos at tubong Panabo, Davao del Norte ang korona.
Related video:
- Latest