^

PSN Palaro

Stage 1 ng Le Tour nadiskaril

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Stage 1 ng Le Tour nadiskaril
Binabagtas ng mga siklistang kalahok ang Stage 1 ng Le Tour de Filipinas ang Bulacan.

MANILA, Philippines — Nagkaroon ng problema dahil sa mga inaayos na tubo ng tubig at grabeng traffic kaya nagpasiya ang nag-organisa ng 2018 Le Tour de Filipinas na putulin ang unang araw ng karera kahapon.

Ang 157.15-km flat road mula sa Liwasang Aurora sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City ay dumaan sa ilang restarts dahil sa nasabing gusot sa Valenzuela at Marilao, Bulacan bago tuluyang nahinto sa kalagitnaan ng ruta sa Plazang Luma sa Arayat, Pampanga dahil sa hindi inaasahang problema.

“The race was stopped for one reason: un­manageable traffic which was rather surprising on a Sunday morning,”sabi ni Commissaire 4 Jun Lomibao na siyang sumubaybay sa sitwasyon kasama si Chief Commissaire L­ouise Jones ng Australia.

Sa kabila ng naturang problema, tuloy pa rin ang Stage 2 ngayon mula sa Cabanatuan City hanggang Bayombong, Nueva Vizcaya na dadaan sa Dalton Pass. Mahigit 79 riders mula sa 16 local at foreign teams ang tutuloy sa 157.90 km Stage 2.

“Nakakapanghinayang pero okay lang ‘yun kasi para sa safety naman ng lahat,” sabi ni beteranong Team Bike Extreme rider Cris Joven na siyang na­ngunguna sana kasama sina  Juan Barrios ng Team CCN at Korean Jang Jiung ng Korail Cycling Team bago nahinto ang karera kahapon.

vuukle comment

2018 LE TOUR DE FILIPINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with