^

PSN Palaro

Gazz Angels nakatikim na

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Laro sa Miyerkules (The Arena)

4pm BaliPure vs BanKo

6:30 pm Iriga vs Pocari

MANILA, Philippines — Itinarak ng Petro Gazz ang 15-25, 18-25, 25-18, 25-20, 15-9 come-from-be­hind win kontra BanKo Perlas Spikers para umakyat sa win column ng 2018 Premier Volleyball League Reinforced Conference kahapon sa Batangas City Sports Coliseum sa Batangas.

Walang iba kundi si Anastasia Trach ang bumandera sa ratsada ng Gazz Angels nang bumira ito ng 27 puntos mula sa 23 attacks at apat na blocks kasama pa ang siyam na digs.

Umabante ang Gazz Angels sa 1-3 baraha.

Nagdagdag naman si Estonian reinforcement Kadi Kullerkann ng 16 puntos habang maganda ang suporta nina middle hitter Cherry Nunag na pumalo ng 14 hits at open spiker Wensh Tiu na nagdagdag naman ng 10 marks para sa Petro Gazz.

May kabuuang 64 attacks ang Gazz Angels na nakuha nito mula sa impresibong playmaking ni Relea Ferina Saet na may 44 excellent sets.

Malaki rin ang kontribusyon ni libero Rica Enclona na 24 receptions at 19 digs.

Nawalan ng ningning ang Perlas Spikers na bumagsak sa parehong 1-3 baraha.

 Sa men’s division, nag­sanib-puwersa sina Mark Alfafara at John Vic De Guzman sa paghataw ng pinagsamang 50 puntos para tulungan ang PLDT sa 25-20, 26-24, 26-28, 25-23 panalo sa  Cignal.

Sumulong sa 1-2 ang Ultrafast Hitters habang lumagapak sa 1-1 ang HD Spikers.

vuukle comment

2018 PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with