^

PSN Palaro

Unang ginto ni Leyno sa Hong Kong meet

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Humirit ang Philippine Swimming League (PSL) tankers ng isang ginto at isang tansong medalya sa 2018 Stingrays Invitational Swimming Championships na ginaganap sa Hong Kong International School swimming pool sa Tai Tam, Hong Kong.

Nagpasiklab agad si Christian Leyno nang pagharian nito ang boys’ 13-14 200m butterfly sa bilis na dalawang minuto at 23.80 segundo para angkinin ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa naturang torneo.

Inilampaso ni Leyno sina Max Tian Yang Xu ng Hong Kong International School (2:27.77) at Frac Payer Emeric Yat-long ng Manta Swimming Team (2:45.68) na siyang humirit ng pilak at tanso, ayon sa pagkakasunod.

Nagkasya lamang sa tansong medalya si Legazpi City pride Trump Christian Luistro sa boys’ 10-12 200m butterfly kung saan nagsumite ito ng tatlong minuto at 10.11 segundo – malayo sa itinalang 2:45.89 ni gold medallist Paul Hebrard ng Hong Kong International School at 3:05.49 ni silver medallist Thomas Chan ng Manta Swimming Team.

Magtatangka pang humirit ng medalya si Leyno sa 100m backstroke, 100m freestyle, 200m Individual Medley, 100m butterfly at 50m freestyle.

“It’s just the start of the competition and we’re hoping to get more medals in the second day. The competition is really tough but these swimmers are not backing down,” wika ni PSL president Susan Papa.

Galing ang PSL sa matagumpay na kampanya sa 2018 Shanghai Invitational Swimming Championships sa China, Japan Age-Group Swimming Championship sa Tokyo, Indian Ocean All-Star Challenge sa Australia, Thanyapura Invitational Swimming Meet sa  Thailand, at sa Bolles School Sharks Invitational Swimming Meet sa Florida.

vuukle comment

PHILIPPINE SWIMMING LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with