^

PSN Palaro

Import-less TNT wagi sa Blackwater

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (Dumaguete)

5pm SMB vs Alaska

MANILA, Philippines — No import? No problem!

MANILA, Philippines — Naiselyo ng TNT Ka­Tropa ang 120-101 panalo kontra Blackwater para sumampa sa unahan ng standings ng PBA Season 43 Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Umarangkada ng husto sina Ryan Reyes na may 18 puntos, apat na assists at dalawang rebounds at Troy Rosario na kumamada ng double-double na 17 markers at 11 boards para sa Tropang Texters na naikonekta ang kanilang ikaapat na panalo sa limang laro.

Sumosyo ang TNT KaTropa sa Rain or Shine sa unang posisyon bitbit ang magkatulad na 4-1 marka.

Naglaro ang Texters nang walang import matapos sibakin si Jeremy Tyler.

Ngunit hindi ito na­ging problema dahil limang manlalaro pa ng Tropang Texters ang nagtala ng double figures kabilang na si Roger Pogoy na umiskor ng 15 puntos gayundin sina Jayson Castro at Anthony Semerad na may tig-14, at sina Terrence Romeo na umani ng 12 at Jericho Cruz na naglista ng 11.

Wala pa ring panalo ang Elite sa anim na laro.

Samantala, magtutungo ngayong araw ang liga sa Dumaguete City tampok ang engkuwentro ng nagdedepensang San Miguel Beer at Alaska sa alas-5 ng hapon sa Lamberto Macias Gymnasium.

Inaabangan na ang pagbabalik-aksiyon ni Puerto Rican import Renaldo Balkman na masisilayan sa unang pagkakataon sapul nang ma-ban ito noong 2013 dahil sa pananakal kay Arwind Santos.

vuukle comment

PBA SEASON 43 COMMISSIONER’S CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with