^

PSN Palaro

Magnolia tinambakan ang Columbian Dyip

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas Smart Araneta Coliseum)

4:30 p.m. Blackwater vs TNT Katropa

7 p.m. Meralco vs Magnolia

MANILA, Philippines — Huling nakamit ng Columbian Dyip ang kalama­ngan sa 8-7 mula sa jum­per ni Reden sa 8:49 minuto ng first period.

At matapos ito ay ipina­kita ng Magnolia, sa pangunguna ni import Vernon Macklin, ang kanilang dominasyon para iposte ang 126-101 panalo at ilista ang ikalawang sunod na panalo sa 2018 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Kumolekta si Macklin ng 19 points, tampok ang 7-of-8 fieldgoal shooting, kasama ang 8 rebounds para sa 2-1 baraha ng Hotshots na ipinalasap ang ikatlong kabiguan ng Dyip sa anim na laro.

Ito ang isa sa huling da­lawang laro ni Macklin matapos makatanggap ng guaranteed contract sa National  Basketball League ng China.

Huling maglalaro si Macklin bukas sa pagsagupa ng Magnolia sa Meralco sa Big Dome.

“I think every game I want to play my best. It’s a tough situation; it’s a bitter- sweet move for me playing my last two games,” wika ng 6-foot-9 na si Macklin.

Isinara ng Magnolia ang first quarter bitbit ang 37-18 kalamangan bago ito pinalobo sa 31-point lead, 63-32 buhat sa three-point shot ni guard Jio Jalalon sa 6:32 minuto ng second period patungo sa 72-43 pagbaon sa Columbian sa halftime.

Ang triple ni Rome Dela Rosa ang nagbigay sa Hotshots ng 92-62 bentahe sa huling 3:28 minuto ng third period hanggang magkaroon ng girian sina Jalalon at Rashawn McCarthy ng Dyip sa 7:49 minuto ng final canto.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with