^

PSN Palaro

Blazers inilaglag ang Tamaraws

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinataob ng College of Saint Benilde ang Far Eas­tern University sa pamamagitan ng 80-73 desisyon upang masolo ang liderato sa Group B ng FilOil Flying V Preseason Cup kahapon sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Umariba ng husto si Justin Gutang nang bumanat ito ng 27 puntos, limang rebounds, tatlong assists at dalawang steals para pamunuan ang Bla­zers na maikonekta ang ikatlong sunod na panalo.

Matikas ang suporta ni Clement Leutcheu na nagrehistro ng double-double na 13 markers at 14 boards gayundin si Edward Dixon na may 12 puntos. Nagdagdag naman sina Unique Naboa at Yankie Haruna ng pinagsamang 16 puntos para sa Blazers.

Bagsak naman sa ika­la­wang puwesto ang Tamaraws na lumasap ng unang kabiguan para gumulong sa 3-1 marka.

Nanguna sa panig ng FEU si Arvin Tolentino na gumawa ng 16 puntos at siyam na rebounds samantalang nagtulong sina Wendelino Comboy at Kenneth Games Tuffin sa paglikom ng 19 puntos.

Mula sa 59-all, pinaka­walan ng Blazers ang 9-0 bomba sa likod ng umaatikabong tres ni Gutang para makalayo sa 68-59.

Nagawa pa itong mai-angat ng Benilde sa 10 puntos na bentahe nang kumana si Gutang ng dalawang charities buhat sa technical fouls mula kina Tolentino at FEU coach Olsen Racela para sa kampanteng 76-66 sa huling tatlong minuto ng laro.

Ito ang naging matatag na pundasyon ng Bla­zers para makumpleto ang pagsorpresa sa Tams. (CCo)

vuukle comment

COLLEGE OF SAINT BENILDE

FAR EAS­TERN UNIVERSITY

FILOIL FLYING V PRESEASON CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with