^

PSN Palaro

Balkman bagong import ng San Miguel

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tuluyan nang pinalitan ng San Miguel si import Troy Gillenwater para pa­lakasin ang kanilang tsansang maidepensa ang korona sa 2018 PBA Commissioner’s Cup.

Muling kinuha ng Beermen si Renaldo Balkman ng Puerto Rico sa kanilang pagsagupa sa Alaska Aces sa Sabado sa Dumaguete City.

Sa ilalim ng 6-foot-9 na si Gillenwater ay nahulog sa 0-2 panimula ang San Miguel matapos matalo sa Meralco, 85-93  noong nakaraang Miyerkules kung saan nila ipinarada si No. 1 overall pick Christian Standhardinger at nalusutan ng Rain or Shine sa overtime, 119-123 noong Linggo.

Matatandaang pinatawan ng PBA si Balkman ng lifetime ban matapos sakalin si Arwind Santos sa isang mainitang pagtatalo noong 2013 PBA Commissioner’s Cup.

Inalis ni PBA Commissioner Willie Marcial ang lifetime ban kay Balkman matapos makiusap ang dating miyembro ng Puerto Rican national team.

Samantala, nakatakdang iwan ni import Vernon Macklin ang Magnolia matapos tumanggap ng kontrata sa NBL China.

Maglalaro pa ang 6’9 na si Macklin sa pagharap ng Hotshots sa Columbian Dyip ngayong alas-4:30 ng hapon bago susundan ng sagupaan ng NLEX at Globalport sa alas-7 ng gabi.

vuukle comment

SAN MIGUEL

TROY GILLENWATER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with