^

PSN Palaro

Sa Uulitin

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Sa uulitin.

Umalis na ng bansa si Floyd Mayweather Jr.

Imbes na tatlong araw ay apat na araw siyang tumagal dito.

Nag-enjoy naman.

Nag-swimming sa Palawan at nag-jetski sa Pearl Farm sa Davao. Nag-shopping sa Mall of Asia at Greenbelt.

 Isang bayong na pera ang dala.

 Inaliw naman niya ang fans. Nakipagkwentuhan at nagpakuha ng litrato, kasama na rito sina Vicki Belo, Bong Go at  Gov. Chavit Singson.

Ginawa niya lahat pwera lang i-meet si Manny Pacquiao.

Ewan ko bakit hindi natuloy eh nandun naman lahat ng pagkakataon. Ang lapit na ng Davao sa GenSan.

Sa tingin ko, umiral ang pride.

 Nasa  training kasi si Pacquiao sa GenSan at wa­lang chance lumayo. Kaya si Floyd ang inimbitahan niya na pumunta sa kanya.

Ang gusto siguro ni Floyd ay siya ang puntahan ni Manny.

 Hindi tuloy sila nagkita.

 Gusto pa naman ni Floyd makipag-basketball kay Pacquiao. Ewan natin, kung nagkita lang sila ay baka napag-usapan pa ang rematch.

Umalis si Floyd kahapon ng umaga.

 Babu.

vuukle comment

FLOYD MAYWEATHER JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with