^

PSN Palaro

Columbian minantsahan ang record ng Rain or Shine

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi matanggap ng Columbian Dyip ang nalasap na 31-point loss sa Alaska.

Kaya naman wala silang ibang inisip kundi ang makabangon.

Binangga ng Dyip ang ang Rain or Shine Elasto Painters, 104-96, sa likod ng 34 points at 11 rebounds ni import John Fields sa 20­18 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa MOA Are­­na sa Pasay City.

Ito ang ikatlong panalo ng Columbian sa limang la­ro at ipinalasap ang kauna-unahang kabiguan ng Rain or Shine.

“That’s the way to bounce back from a loss,” sa­­bi ni head coach Ricky Dan­dan sa kanyang Dyip. “We had no choice but to learn from that horrible loss to Alaska.”

Nagmula ang Columbian mula sa 103-134 kabiguan sa Alaska.

Nagdagdag si Ra­shawn McCarthy ng 23 points para sa Dyip kasu­nod ang 13 markers ni Jer­ramy King.

Humakot naman si import Reggie Johnson ng 30 points sa panig ng Elasto Painters.

KInuha ng Columbian ang 10-point lead, 46-36, sa gitna ng second quarter hanggang maagaw ng Rain or Shine ang kalama­ngan sa 73-70 sa third pe­riod.

Muling nakalayo ang Dyip bitbit ang 97-90 abante sa 4:27 minuto ng fi­nal canto mula sa three-point shot ni McCarthy.

Ang fastbreak layup ni Gabe Norwood ang nagdi­kit sa Elasto Painters sa 94-97 sa huling 2:47 minuto.

vuukle comment

COLUMBIAN DYIP

PBA COMMISSIONER’S CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with