^

PSN Palaro

Mayweather ayaw nang labanan si Pacquiao para sa isang rematch

Pilipino Star Ngayon
Mayweather ayaw nang labanan si Pacquiao para sa isang rematch
Si Floyd Mayweather, Jr. habang kinakausap ng mga Pinoy reporters sa kanyang pagdating sa bansa.
ABS-CBN News

MANILA, Philippines — Para kay American bo­xing legend Floyd Maywea­ther, Jr., isa nang saradong aklat ang pagkakaroon nila ng rematch ni Filipino world eight-divison champion Manny Pacquiao.

“I’m an old man now,” sa­bi ng 41-anyos na si May­weather sa kanyang pag­­dating sa bansa ka­ha­­pon ng umaga mula sa Bangkok, Thailand “There’s no more fighting for Floyd Mayweather.”

Sa loob ng apat na araw ay walang ibang gagawin ang 41-anyos na retiradong boksingero sa bansa kundi ang dumalo sa isang fashion show kasama ang mga dati at kasalukuyang Miss Universe kagaya nina 2015 winner Pia Wurtzbach at reigning titlist Demi-Leigh Nel-Peters ng South Africa at mamasyal.

Matatandaang tinalo ni Mayweather si Pacquiao via unanimous decision sa ka­nilang mega showdown noong Mayo ng 2015.

Matapos ito ay binigo na­man ni Mayweather si Andre Berto noong Set­yem­bre ng nasabing taon para ilista ang kanyang 49-0-0 win-loss-draw ring record kasunod ang paghahayag ng kanyang pagreretiro.

Muling umakyat ng bo­xing ring si Mayweather no­ong Agosto ng 2017 at umiskor kay dating UFC star Conor McGregor ng 10th round stoppage para sa kanyang 50-0-0 mark.

Bagama’t hindi na akti­bo sa boxing ay inaaba­ngan pa rin ni Mayweather ang laban ni Pacqiao kay WBA welterweight king Lu­cas Matthysse ng Argentina sa Hulyo 15 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

“That's a good matchup, very exciting fight,” sabi ng American boxing great sa nasabing Pacquiao-Mathysse fight.

“Manny Pacquiao and Lucas Matthysse are great fighters. It's great matchup between two former world champions so it's going to be a very good fight,” dag­dag pa nito.

Ito ang unang pagka­kataon na lalaban ang 39-anyos na si Pacquiao ma­tapos matalo kay Jeff Horn at maisuko ang suot na WBO welterweight belt noong Hulyo ng nakaraang taon sa Brisbane, Australia

Hangad ni Pacquiao na talunin ang 35-anyos na si Matthysse para mu­ling ma­kapagsuot ng world boxing crown.

Kung matatalo kay Matthysse ay posibleng ma­kumbinsi si ‘Pacman’ na mag­retiro.

Bilang isang kapwa pro bo­xer ay umaasa si May­wea­ther na makakausap niya si Pacquiao.

“Hopefully we can sit down and meet, probably have lunch or dinner and just see how's everything been going for Manny and his team,” sabi nito.

Ilang beses ding napaulat ang pagsubok ni Mayweather na lumaban sa lo­ob ng Octagon sa UFC.

Ngunit ito ay pinabula­anan ni Mayweather.

Matapos ang ilang oras na pahinga ay dumiretso si Mayweather sa El Nido, Palawan.

vuukle comment

JR

FLOYD MAYWEA­THER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with