Balipure masusukat ng Iriga-Navy
Laro Ngayon(FilOil Flying V Centre, San Juan City)
10 a.m. – Air Force vs PLDT (men’s)
12 n.n – IEM vs Army (men’s)
4 p.m. – Iriga-Navy vs BaliPure (women’s)
6:30 p.m. – Petro Gazz vs Tacloban (women’s)
MANILA, Philippines — Mag-uunahan sa pagbangon mula sa kabiguan ang Petro Gazz at Tacloban, habang ipaparada ng BaliPure ang matikas na line-up.
Magtutuos ang Petro Gazz at Tacloban ngayong alas-6:30 ng gabi matapos ang pagkikita ng BaliPure at Iriga-Navy sa alas-4 ng hapon sa Premier Volleyball League Reinforced Conference sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.
Ipaparada ng Purest Water Defenders ang mga spikers mula sa ‘four-peat’ UAAP girls volley champion na National University.
Ang tropa ay pangungunahan nina two-time UAAP MVP at two-time Finals MVP Faith Nisperos at three-time Best Setter Joyme Cagande.
Makakasama nina Nisperos at Cagande sina UAAP Season 80 MVP Mhicaela Belen, libero Jennifer Nierva, Alyssa Solomon, Ivy Lacsina at Princess Robles na naglaro para sa Lady Bulldogs, nagreyna sa inaugural PVL Collegiate Conference noong nakaraang taon.
Ang mga NU seniors team members ng BaliPure ay sina Rica Diolan, libero Gayle Valdez, Rosleyn Doria, Roma Joy Doromal at Audrey Paran at itatampok si import Alexis Mathews.
Huhugot naman ng lakas ang Iriga-Navy Oragons kina imports Macy Ubben at Lauren Whyte katulong sina local veterans Grazielle Bombita, Charmaine dela Cruz, Janet Serafica, Shyrra Cabriana, Reynelen Raterta, Hezzymie Acuña at Diane Ticar.
Kapwa naman target ng Petro Gazz at Tacloban ang una nilang panalo matapos mabigo sa pagbubukas ng torneo.
Sa men’s division, maglalaban ang Air Force at PLDT sa alas-10 ng umaga kasunod ang bakbakan ng Instituto Estetico Manila at Army sa alas-12 ng tanghali.
- Latest