Mayweather posibleng muling makipagkita kay Pacquiao
MANILA, Philippines — Sa unang pagkakataon matapos noong 2015 ay posibleng magkitang muli sina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr.
Ngunit hindi na sa ibabaw ng boxing ring kagaya ng kanilang super fight.
Nakatakdang dumating sa bansa kagabi ang 41-anyos na undefeated American boxing legend para sa isang four-day visit kasama ang mga miyembro ng kanyang The Money Team.
Mula sa Bangkok, Thailand ay sinabi ni Mayweather na hindi na niya mahintay na mayakap ang kanyang mga Filipino boxing fans at mapasyalan ang magagandang lugar sa Pilipinas.
“I have heard and seen on TV how beautiful the Philippines is and I can’t wait to see for myself the natural wonders and beauty of your country,” sabi ni Mayweather.
Darating si Mayweather sakay ng kanyang private plane na ginamit din niya sa pagbisita sa Dubai, Singapore, Bali at Bangkok.
Tinalo ni Mayweather si Pacquiao via unanimous decision tatlong taon na ang nakakalipas.
Kung magiging maluwag ang kanyang iskedyul ay posible pang mabisita ni Mayweather si Pacquiao sa General Santos City.
Magiging panauhin si Mayweather sa Cove Manila sa Okada Manila kasama sina 2015 winner Pia Wurtzbach at reigning titlist Demi-Leigh Nel-Peters ng South Africa.
- Latest