^

PSN Palaro

Manuel bida sa Aces; E-Painters wagi rin

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Manuel bida sa Aces;  E-Painters wagi rin
Lumipad na parang ibon si Jeron Teng ng Alaska matapos maagawan ng bola ni Roi Sumang ng Alaska sa PBA Commissioner’s Cup.
Jun Mendoza)

MANILA, Philippines — Nang magposte ang Alaska ng 25-point lead sa halftime ay hindi na nakabangon ang Blackwater.

Magaang na pinatumba ng Aces ang Elite, 93-74  sa likod ng hinakot na 27 points, tampok ang 13-of-18 fieldgoal shooting ni power forward Vic Manuel sa 2018 PBA Commissio­ner’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Nakabangon ang Alaska mula sa nauna nilang 103-109 overtime loss sa Rain or Shine  habang na­lasap ng Blackwater ang ikatlong sunod na kama­lasan.

“Kailangan hindi lang puso dapat may sipag din kasi nga pinaghihirapan namin lahat sa practice,” sabi ni Manuel sa 1-1 baraha ng Aces ni coach Alex Compton.

Nagdagdag si import Antonio Campbell ng 23 points kasunod ang tig-7 markers nina Simon Enciso at Ping Exciminiano para sa Alaska na kinuha ang 54-29 abante sa first half bago nakalapit ang Blackwater sa third period, 56-66.

Sa fourth quarter ay muling nakalayo ang Aces sa 86-64 mula sa fastbreak layup ni Manuel sa huling 4:43 minuto na hindi na nakuhang putulin ng Elite.

Binanderahan ni balik-import Jarrid Famous ang Blackwater ni mentor Leo Isaac mula sa kanyang 27 points kasunod ang 11 markers ni Poy Erram.

Nauna nang nagposte ang Alaska ng 30-point advantage, 49-19 sa second period hanggang makalapit ang Blackwater sa 59-66 buhat sa three-point shot ni Dave Marcelo sa pagbungad ng final canto.

Ganap nang sinelyuhan ng Aces ang una nilang panalo sa torneo sa pagtatayo ng 91-69 kalamangan kontra sa Elite galing sa dalawang free throws ni Calvin Abueva sa huling 1:54 minuto ng laro.

Sa ikalawang laro, dinale ng Rain or Shine ang kanilang ikalawang sunod na panalo para makasalo sa unahan ang TNT Ka­tropa  makaraang igupo ang Barangay Ginebra, 108-89.

vuukle comment

ALASKA

BLACKWATER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with