^

PSN Palaro

Romeo, 3 pa pagmumultahin?

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa pagsisimula pa lamang ng 2018 PBA Commissioner's Cup noong Linggo ay may mga pla­yers nang inaasahang mapapatawan ng parusa.

Inaasahang pagmumultahin sina Terrence Romeo ng TNT Katropa, Moala Tautuaa ng Globalport, Alein Maliksi ng Blackwater at Eric Camson ng Columbian Dyip kaugnay sa kanilang mga naging aksyon at pahayag.

Inireklamo ni Romeo ang itinawag sa kanyang tatlong violation, ang dalawa ay dribbling violations, sa fourth quarter sa 128-114  paggupo ng Tropang Texters laban sa Batang Pier.

“Siguro may nakikita yung referee na talagang nakikita niya siguro yung galing sa ibang planeta eh,” sabi ni Romeo matapos ang laro. “Hindi ko alam kung ano, so siguro next time, maga-adjust ako, kasi ewan ko kung 'sang planeta siya nag-referee before, eh wala akong magagawa.”

Tinawagan naman si Tautuaa ng flagrant foul penalty 2 nang sipain si TNT Katropa import Je­remy Tyler habang nakabitin siya sa rim matapos ang kanyang two-handed slam.

Sinabi ni Tautuaa, nagmula sa Tropang Texters, na nagalit siya nang hawakan ni Tyler ang kanyang paa.

Ang TNT Katropa at Globalport ay natawagan ng pinagsamang 71 fouls.

Nagsuguran naman sina Maliksi at Camson sa 126-98 paglampaso ng Columbian Dyip laban sa Blackwater.

Binangga ni Maliksi si Dyip guard Ronald Tubid para para magkaroon ng espasyo sa kanyang jumpshot sa kaagahan ng fourth quarter.

Napalakas naman ang kanti ni Camson kay Maliksi na nagresulta sa pagtulak ng Elite shooter sa Dyip defender kasunod ang komprontasyon ng dalawa.

Kapwa tinawagan si Maliksi at Camson ng technicals fouls.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with