^

PSN Palaro

Cocolife, Foton seselyuhan ang Final 4

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sisikapin ng Cocolife at Foton na masungkit ang huling dalawang  tiket sa semifinals sa pagharap sa magkaibang karibal nga­yong araw sa quarterfinals ng Philippine Superliga (PSL) Grand Prix sa The Arena sa San Juan City.

Makakasagupa ng Asset Managers ang Cignal sa alas-4:15 ng hapon habang lalarga naman ang Tornadoes laban sa Sta. Lucia Realty sa alas-7 ng gabi.

Bago magsimula ang bakbakan, bibigyan ng special tribute si Cuban Gyselle Silva na nakatakdang umalis ngayong gabi para maglaro sa isang commercial league sa Italy.

Bibigyan ang power-hitting Cuban reinforcement ng Smart ng plake at special jersey matapos itarak ang league-record na 56 points sa five-set loss ng Giga Hitters sa Asset Managers noong Abril 7 sa Batangas City Sports Center.

Ang 56-puntos na produksiyon ni Silva ang ikatlong pinakamaraming puntos sa mundo sa likod ng 58 points ni Polina Rahimova ng Azerbaijan noong 2015 at parehong 57 points nina Madison Kingdon ng Amerika noong 2017 at Elitsa Vasileva ng Bulgaria noong 2013.

Sa kabilang banda, masusubukan ang lakas ng bagong Foton players na sina Diana Carlos at Isa Molde na inaasahang makakatulong kina imports Channon Thompson ng Trinidad and Tobago at Elizabeth Wendel ng Canada.

Nasa lineup si Carlos ng Tornadoes ngunit hindi agad ito nakapaglaro dahil nasilayan muna ito sa UAAP Season 80 habang nasa reserve list si Molde na siya namang papalit kay middle blocker Gen Casugod na nagtamo ng injury sa kaliwang tuhod sa training.    

vuukle comment

COCOLIFE

PHILIPPINE SUPERLIGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with