^

PSN Palaro

Malditas ‘di puwedeng matalo

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang importanteng panalo lamang ang kailangan ng Malditas upang masungkit ang silya sa prestihiyosong FIFA World Cup – ang kauna-unahang pagkakataon na masisilayan ang Pilipinas sa naturang world meet pag nagkataon.

Kailangan lamang ng Malditas na maipanalo ang kanilang huling laro laban sa mapanganib na South Korea sa Asian Football Confederation (AFC) Women's Asian Cup 2018 na lalaruin sa King Abdullah 2nd Stadium sa Amman, Jordan.

Nakatakda ang laro ng Pilipinas at South Korea sa alas-8 ng gabi, ala-una ng madaling araw bukas (Martes) sa Maynila.

Paglalabanan ng Pilipinas at South Korea ang fifth place at ang huling tiket sa World Cup.

Hindi pa nagkwalipika ang Pilipinas sa kasaysayan ng World Cup.

Kaya’t inaasahang i­la­labas na ng Malditas ang lahat ng alas nito upang gumawa ng kasaysayan na makahirit ng tiket sa naturang world meet.

Nahulog sa battle-for-fifth ang Malditas at South Koreans matapos puma­ngatlo sa kani-kanilang kampanya sa group stage.

Nakalikom ang Pilipinas ng tatlong puntos mula sa isang panalo at dalawang talo habang nanguna ang China (siyam na puntos) at Thailand (anim na puntos) sa Group A.

Pumangatlo naman ang South Korea sa Group B sa likod ng Australia at Japan.

Nauna nang nakahirit ng puwesto sa World Cup ang China, Thailand, Australia at Japan.

vuukle comment

FIFA WORLD CUP

MALDITAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with