^

PSN Palaro

Mas matimbang sa Beermen ang pride kesa sa 4-peat

RCadayona - Pilipino Star Ngayon
Mas matimbang sa Beermen ang pride kesa sa 4-peat
Masayang nag-pose ang San Miguel Beer makaraang masikwat ang PBA Philippine Cup habang sa kaliwang larawan buhat naman si coach Leo Austria ng kanyang bataan.
Joey Mendoza

MANILA, Philippines — Ang San Miguel ang ikalawang koponang naghari ng apat na sunod sa All-Fi­lipino tournament ng Philippine Basketball Association matapos ang maalamat na Crispa Redmanizers.

Nakamit din ng Beermen ang record na pang-25 kampeonato.

“It’s not about the four-peat. It’s really the pride to win every game they play,” sabi ni head coach Leo Austria matapos ang 108-99 double overtime victory ng San Miguel laban sa Magnolia sa Game Five para angkinin ang titulo ng 2018 PBA Philippine Cup noong Biyernes.

Ang tubong Sariaya, Quezon ang naging unang coach na gumiya sa isang koponan sa apat na sunod na All-Filipino crown.

Sa naturang panalo laban sa Hotshots ay ipinakita ng Beermen ang kanilang championship experience matapos bumangon mula sa malalim na 23-point deficit, 48-71, sa third period.

Ang three-point shot ni one-time PBA MVP Arwind Santos sa huling 16.5 segundo ng fourth quarter ang nagtabla sa San Miguel sa 86-86 para makapuwersa ng unang overtime sa Magnolia.

Inihatid naman ni four-time PBA MVP June Mar Fajardo ang Beermen sa ikalawang extension, 94-94 kontra sa Hotshots nang isalpak ang isang follow-up shot.

Ang 7-0 atake ng San Miguel sa pangalawang extra period ang tuluyan nang nagpaguho sa pag-asa ng Magnolia.

“It’s the pride and attitude of our players. Ayaw nilang matalo. Hindi sila basta-basta bibigay sa kahit anong sitwasyon,” wika ni Austria.

Humakot si Fajardo ng 42 points at 20 rebounds, habang kumolekta si Santos ng 23 markers at 11 boards para sa ikaapat na sunod na panalo ng Beermen sa kanilang best-of-seven championship series ng Hotshots.

“Masarap manalo ng championship. Hindi kami magsasawa to be the champ,” sabi ng 6-foot-10 na si Fajardo.

Humakot si point guard Chris Ross ng 13 points, 11 rebounds, 11 assists at 8 steals para sa pang-walong All-Filipino crown ng San Miguel.

Ayon naman kay Magnolia mentor Chito Victolero, mas malaki sana ang kanilang naging tsansa kung walang injury sina ve­teran forward Mark Pingris (ACL injury) at guard Justin Melton (strained hamstring).

“Mas maganda si­yempre kung kumpleto, at least kahit papaano, mas magandang laban sana,” wika ni Victolero. “But e­verything happens, hindi naman natin sinasadyang magkaroon ng injuries.”

Inaasahang muling maidedepensa ng Beermen ang kanilang korona sa darating na 2018 PBA Commissioner’s Cup na didribol sa Abril 22.

Ito ay dahil sa posibleng paglalaro ni No. 1 overall pick Christian Standhardinger, kasalukuyang naglalaro para sa Hong Kong Eastern Lions sa ABL.

 Ang 6’8 na si Standhardinger ay nauna nang naglaro para sa Gilas Pilipinas ni coach Chot Reyes.

Inangkin ng San Miguel ang titulo ng 2017 PBA Commissioner’s Cup laban sa TNT Katropa sa tulong ni Best Import Charles Rhodes.

vuukle comment

SAN MIGUEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with