^

PSN Palaro

Pacquiao sisimulan na ang training

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa pagkakaroon ng break ng Senado ay inaasahang sisimulan ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao ang seryosong pag-eensayo simula sa Martes sa Ge­neral Santos City.

Ang 39-anyos na Senador ang nagtakda ng paghahamon niya kay world welterweight king Lucas Matthysse ng Argentina sa Hulyo 15 sa 16,000-sea­ter na Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia para hindi makaapekto sa kanyang trabaho sa Senado.

Magbabalik ang sesyon sa Senado sa Mayo 14 hanggang Hunyo 1 at mu­ling magkakaroon ng recess sa Hunyo 2 hanggang Hulyo 22.

Ang pagkakasabay ng kanyang pagsasanay sa boxing gym at pagpasok sa Senado ang isa sa mga dahilan ng unanimous decision loss ni Pacquiao kay Jeff Horn noong Hulyo sa Brisbane, Australia.

Naisuko ni Pacquiao ang kanyang suot na WBO welterweight crown kay Horn at hindi pa muling lumalaban.

Pipilitin ni Pacquiao (59-7-2, 38 KOs) na agawin sa 35-anyos na si Matthysse (39-4-0, 36 KOs) ang bitbit nitong WBA welterweight belt.

Sasamahan ni Oscar De La Hoya ng Golden Boy Promotions si Matthysse sa kanilang biyahe sa Maynila sa Abril 18-19 para sa press conference ng title defense ng Argentinian champion kay Pacquiao.

Nakuha ni Matthysse ang bakanteng WBA title via eighth-round knockout win laban kay Teerachai Kratingdaeng Gym ng Thailand sa The Forum sa Inglewood, California noong Enero.

Ang MP Promotions ni Pacquiao ang mamamahala sa “Fight of Champions” na tatampukan ng apat na world title matches habang ang Top Rank Promotions ni Bob Arum ang bahala sa TV distribution sa US, Canada at Puerto Rico.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with