^

PSN Palaro

Beermen tuloy ang ensayo

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

Hotshots paghahandaan sa game 3

MANILA, Philippines — Mahalaga para sa nagdedepensang San Miguel at Magnolia ang makukuha nilang ilang araw na pahinga ngayong Mahal na Araw.

Kahapon ay hindi nag-ensayo ang mga Beermen matapos balikan ang Hotshots sa Game Two, 92-77 sa kanilang best-of-seven championship series para sa 2018 PBA Philippine Cup.

“Sa Tuesday balik ulit kami sa ensayo until  Thursday, pero sa Friday break kami at baka magalit naman ‘yung nagbibigay sa amin ng blessing,” sabi ni head coach Leo Austria sa San Miguel, tinalo ng Magnolia sa Game One, 105-103.

“Hihilingin ko sa ka­ni­lang magsakripisyo dahil dito sa opportunity namin to win the championship for the fourth straight year,” dagdag pa ng mentor.

Sa kanilang pagbawi sa Game Two ay nagtayo ang Beermen ng 21-point lead, 71-50  sa third quarter hanggang makalapit ang Hotshots sa 68-75 agwat sa unang tatlong minuto ng fourth period.

MANILA, Philippines — Gumanti ang San Mi­guel sa pamamagitan ng pagpapakawala ng 10-0 atake para muling iwanan ang Magnolia sa 85-68 sa huling apat na minuto ng labanan.

“I think we’ve learned our lesson from the last game that we lost,” wika ni Austria. “I have to give credit to the players dahil talagang nakita ko sa kanila na ayaw magpatalo.”

Ang tinutukoy ni Austria ay ang pagsuko ng Beermen sa itinayong 20-point advantage sa third quarter sa Game One na naging dahilan ng pagbangon ng Hotshots para agawin ang panalo.

“We’re disappointed and frustrated doon sa first game namin, and nakanti ang pride ng mga players,” ani Austria. 

Pa-aagawan ng San Miguel at Magnolia ang mahalagang 2-1 bentahe sa Game Three sa Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

Samantala, dinala naman ng Rain or Shine si guard Don Trollano sa TNT Katropa para makuha si big man Norbert Torres.

Nauna nang ibinigay ng Painters sa Tropang Texters si scoring guard Jericho Cruz kapalit nina Kris Rosales, rookie Sydney Onwubere at isang 2018 first round pick.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with