^

PSN Palaro

Skippers ikinasa ang playoffs

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas (Ynares Sports Arena, Pasig City)

1 nn Akari-Adamson  vs Perpetual Help Altas    

2 p.m. JRU vs Zark’s Burger-LPU

MANILA, Philippines — Pormal na pumasok ang Marinerong Pilipino sa playoff round matapos padapain ang Gamboa Coffee Mix-St. Clare, 99-83  kahapon sa pagpapatuloy ng 2018 PBA D-League Aspirants’ Cup sa JCSGO Gym, Cubao, Quezon City.

Kaagad nagparamdam ang Skippers sa 31-16 lead sa unang yugto pa lamang tungo sa pag-angkin sa kanilang ika-anim na sunod na panalo at pang-pito overall.

Buga ng panalo, tu­mabla ang Skippers sa Akari-Adamson Falcons sa ikalawang puwesto sa parehong 7-2 win-loss kartada sa likuran ng na­ngungunang Centro Escolar University Scorpions na hawak ang 8-2 card.     

“We’re on a roll and we want to keep on r­olling going to the playoffs. Hopefully, we can bring this winning attitude to our next games,” sabi ni Marinero coach Koy Banal.

Tumipak si Billy Robles ng 19 puntos na may kasamang dalawang rebounds at tatlong assists para pa­ngunahan ang panalo ng Skippers.

Tumulong din ng 12 puntos si Alvin Pasaol habang bumanat ng tig-12 puntos sina Rian Ayonayon at  Manuel Tolentino para sa Skippers.

Dahil sa kabiguan, lag­lag ang Gam­boa Coffee Lovers sa 5-4 card at nakisama sa three-way tie sa pang-lima hanggang sa pang-pitong puwesto kasama ang Wangs-Letran at Zark’s Burger-Lyceum.

Sa iba pang laro, umiskor si Judel Fuentes ng triple sa huling 2.9 segundo para iangat ang CEU  sa 79-75 panalo kontra sa Wangs Basketball-Letran.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with