^

PSN Palaro

Alab Pilipinas puwersado sa outright semis berth

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (Caloocan City Sports Complex)

8 p.m. Alab Pilipinas vs   CLS Knights Indonesia

MANILA, Philippines — Inaasahan ang mainit na laban sa paghaharap ng San Miguel-Alab Pilipinas at CLS Knights ng Indonesia ngayon sa pagpapatuloy ng 8th ASEAN Basketball League (ABL)  sa Caloocan Sports Complex sa Caloocan City.

Target ng tropa ni coach Jimmy Alapag ang pang-13th panalo para muling tumuntong sa ikatlong puwesto sa kanilang pakikipagtipan sa CLS Knights sa alas-8 ng gabi.

Sa kanilang 12-6 win-loss kartada, bumaba ang Alab Pilipinas sa pang-apat na puwesto matapos magwagi ang Mono Vampire ng Thailand kontra sa dating nangunguna at nagdedepensang Hong Kong Eas­tern Lions, 119-111  noong Marso 15.

Dahil sa panalo ng Thai­land team umangat sila sa ikatlong puwesto sa 13-6 slate sa likuran ng nangungunang Chong Son Kungfu ng China (14-5) at pumapangalawang Eastern Lions (12-5).

Kailangan ng Filipino team na manalo sa CLS Knights upang muling ma­kabalik sa third spot.

Nanatili pa ring  buhay ang pag-asa ng Alab Pilipinas na masungkit ang top two slots para makakuha ng outright entry sa semis ngunit hindi na nila hawak ang kanilang tsansa dahil may tatlong laro pang natitira ang Hong Kong Eastern Lions at isa sa Chong Son Kungfu.

Kaya ang tsansa na outright semis ng Alab Pilipinas ay depende sa resulta ng mga krusyal na laro sa homestretch ng elimination.            

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with