^

PSN Palaro

Beermen susulitin ang pahinga

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Paghahandaan ang makakalaban sa finals

MANILA, Philippines — Mula sa matinding pakikipagbugbugan sa Barangay Ginebra sa semifinals ay kailangan ng nagdedepensang San Miguel ng mahabang pahinga para paghandaan ang cham­pionship series ng 2018 PBA Philippine Cup.

“Hindi naman ganun  kadali ‘yung series namin (against Ginebra), nakakapagod,” sabi ni June Mar Fajardo. “Kailangang gamitin nang maayos ang pa­hinga namin at makapagpraktis nang maayos para maging ready ‘yung katawan namin.”

Tinapos ng Beermen ang kanilang best-of-seven semifinals showdown ng Gin Kings sa Game Five sa pamamagitan ng 100-94 panalo noong Sabado.

Ito ang ika-39 Finals appearance para targetin ang pang-25 kampeonato.

Hangad din ng San Miguel ang kanilang pang-apat na sunod na korona sa PBA Philippine Cup.

Kung sakali ay magi­ging ikalawang PBA team ang Beermen na naghari ng apat na sunod sa isang komperensya matapos ang Alaska Milkmen na bumandera sa PBA Governors Cup mula noong 1994 hanggang 1997.

“So proud kami dahil fourth straight all-Filipino finals. Pero alam namin na hindi ito ganon kadali. Kahit sino makalaban namin, hindi magro-roll over. Kailangang kunin namin,” wika pa ng four-time PBA MVP na si Fajardo.

Lalabanan ng Beermen ang mananalo sa semifinals wars ng Magnolia Hotshots at NLEX Road Warriors.

Kaya naman nanamnamin ng San Miguel ang kanilang five-day break bago sumabak sa PBA Finals.

“Four-peat, we will see kung kaya namin ito. But there is a very good chance for this because the advantage is with us because we have a chance to rest,” ani head coach Leo Austria sa kanyang mga Beermen.

Sa ilalim ng patnubay ni Austria ay nagtala ang San Miguel ng perpektong 5-of-5 sa PBA Finals. Inihatid ni Austria ang mga Beermen sa korona ng PBA Philippine Cup noong 2015, 2016 at 2017 at noong 2015 Governors Cup at 2017 Commissioner’s Cup.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with