^

PSN Palaro

Ginebra tatablahan ang San Miguel sa Game 4

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

Santos pinagmulta ng 25k dahil sa negatibong komento sa game 3

MANILA, Philippines — Ipinakita ng Barangay Gi­nebra na kaya nilang ma­nalo na wala si seven-foot center Greg Slaughter ma­tapos talunin ang nagdedepensang San Miguel, 95-87, sa Game Three ng kanilang best-of-seven se­mifinals series noong Martes.

Hindi pa masabi ni mentor Tim Cone kung kailan magsusuot ng uniporme si Slaughter, kasalukuyang may sprained left ankle in­jury.

“We’re trying to get him back in, but nothing’s wor­king so far. He’s still got swelling and pain in his foot,” wika ng two-time PBA Grand Slam champion coach kay ‘Gregzilla’.

Hangad maitabla ang ka­nilang serye, lalabanan ng Gin Kings ang Beermen nga­yong alas-7 ng gabi sa Game Four ng kanilang se­mifinals showdown para sa 2018 PBA Philippine Cup sa Mall of Asia Arena sa Pa­say City.

Pinatumba ng San Mi­guel ang Ginebra sa Game One, 102-90, at tinakasan sa Game Two via overtime, 104-102.

Napigilan naman ng Gin Kings ang tangkang pag­tatayo ng Beermen sa malaking 3-0 bentahe nang agawin ang Game Three, 95-87.

“Game Four is so crucial and we have to get it,” sabi ni San Miguel Beer mentor Leo Austria.

Samantala, pinagmulta ng PBA Commissioner's Office si one-time PBA MVP Arwind Santos ng kabuuang P25,000.

Ang P20,000 ay para sa 'statements detrimental to the league' na ginawa ni San­tos, samantalang ang P5,000 ay sa flagrant foul 1 niya kay Ginebra for­ward Japeth Aguilar sa third quarter ng Game Three.

Sa isang panayam ay ina­kusahan ng dating FEU King Tamaraw ang tatlong re­ferees na tumulong sa pa­nalo ng Gin Kings noong Mar­tes.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with