^

PSN Palaro

Gilas dapa sa Aussies

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro sa Linggo(MOA Arena,  Pasay City)

7:30 p.m. Gilas  vs Japan

MANILA, Philippines — Nakakuha na ng ka­ni­lang katapat ang Natio­nals.

Matapos magtala ng 2-0 record ay nalasap ng Gilas Pilipinas ang kanilang unang kabiguan nang kunin ng mas malala­king Australia ang 84-68 panalo sa second window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers kahapon sa Margaret Court Arena sa Melbourne.

Nauna nang tinakasan ng Nationals ang mga Ja­panese, 77-71 sa Tokyo at dinaig ang mga Taiwanese, 90-83 sa Big Dome noong Nobyembre.

Tumapos si four-time PBA MVP June Mar Fajardo na may 15 points, makaraang tumipa ng 7 markers sa first half ay 1 point lamang ang naiskor ni naturalized center Andray Blatche sa kabuuan ng second half.

“The good thing about this game is now we know we can take them,” sabi ni national head coach Chot Reyes sa Gilas Pilipinas, nakatakdang labanan ang Japan sa Linggo sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ang ikatlong sunod na panalo naman ng mga Boomers ang nagbigay sa kanila ng solong liderato sa Group C.

Kinuha ng Gilas Pilipinas ang 26-21 abante mula sa basket ni Fajardo sa second period bago agawin ng Australia, ang No. 10 sa FIBA world ran­kings at No. 1 sa Asia, ang halftime, 37-32.

Sa third quarter ay itinala ng mga Boomers ang 10-point lead, 54-44  buhat sa dalawang free throws ni 6-foot-10 Angus Brandt sa 3:11 minuto nito.

Pinalobo ng Australia ang kanilang kalamangan sa 68-49 mula sa three-point shot ni Kevin Lisch at dalawang charities ni Jason Cadee sa pagbubukas ng final canto.

Mula rito ay hindi na nakabangon ang Gilas Pilipinas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with