^

PSN Palaro

Batang Pier ‘di puwedeng mag-relax

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

(Smart Araneta Coliseum)

4:30 p.m. Kia vs Globalport

7 p.m. Blackwater vs Phoenix

MANILA, Philippines — Isa ang Globalport sa mga koponang naghahangad na makasama sa eight-team quarterfinal round ng 2018 PBA Philippine Cup.

Lalabanan ng Batang Pier ang sibak nang Kia Picanto ngayong alas-4:30 ng hapon kasunod ang laban ng Blackwater Elite at Phoenix Fuel Masters sa alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Sakaling manalo sa Kia ay kailangan pa ng Globalport na talunin ang Phoenix sa Biyernes para tuluyan nang maibulsa ang isang tiket sa quarterfinals.

"We need to play hard. No room to relax,” sabi ni head coach Pido Jarencio sa kanyang mga Batang Pier, nanggaling sa 81-96 kabiguan sa Magnolia Hotshots kung saan naisuko nila ang 13-point lead noong nakaraang Biyernes.

Muling aasahan ng Globalport sina Stanley Pringle, Sean Anthony, Kelly Nabong, Ryan Araña at Jonathan Grey katapat sina Ronald Tubid, Jay-R Reyes, Eric Camson, Rashawn McCarthy at Jackson Corpuz ng Kia.

Nagmula ang Picanto sa 76-95 pagyukod sa Elite para sa kanilang ikaapat na sunod na kamalasan matapos wakasan ang 16-game losing slump.

Sa ikalawang laro, mag-iiwasan naman ang Phoenix at Blackwater na malaglag.

Nakatikim ang Fuel Masters ng 90-92 kabiguan sa Meralco Bolts, samantalang nakalasap ang Elite ng 90-93 pagkatalo sa NLEX Road Warriors sa kanilang mga huling laro.

“At least nasa kamay pa namin ang fate namin," wika ni Phoenix mentor Louie Alas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with