^

PSN Palaro

Beermen lumapit sa twice-to-beat

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mula sa mahimbing na pagkakatulog sa first half ay gumising ang nagdedepensang San Miguel para makalapit sa inaasam na ‘twice-to-beat’ incentive sa eight-team quarterfinals cast.

Bumangon ang Beermen buhat sa 15-point deficit sa second period para balikan ang Alaska Aces, 109-96 at kunin ang kanilang pang-pitong panalo sa 2018 PBA Philippine Cup sa Batangas City Sports Center.

Humakot si guard Chris Ross ng 26 points, 9 assists at 4 steals habang nagposte si four-time PBA MVP June Mar Fajardo ng 17 markers at 18 rebounds para sa three-time All-Filipino Cup champions.

Nakabawi ang San Miguel (7-2) mula sa ka­nilang 96-106 kabiguan sa Blackwater noong nakaraang Linggo habang nalasap ng Alaska (6-4) ang ikalawang sunod na kamalasan matapos sumakay sa isang six-game winning streak.

Matapos ilista ang 26-16 abante sa first period ay itinarak ng Aces ang 15-point lead, 46-31 mula sa basket ni Sonny Thoss sa 4:18 minuto ng second quarter.

Humataw naman si Ross ng 11 points sa third canto para tulungan ang Beermen na agawin ang 74-71 bentahe sa pagtatapos ng nasabing yugto.

Isang 10-3 atake ang inilunsad ng San Miguel, tampok dito ang dalawang sunod na three-point shots nina Yancy De Ocampo at Brian Heruelas, para iposte ang 11-point advantage, 84-73 sa 8:13 minuto ng fourth period.

Huling nakadikit ang Alaska sa 83-87 mula sa dalawang free throws ni JVee Casio sa 4:45 minuto ng laro hanggang magtuwang sina Fajardo, Matt Ganuelas-Rosser at Marcio Lassiter para mu­ling i­layo ang Beermen sa 94-83 sa huling 3:11 ng labanan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with