^

PSN Palaro

10TH-round ko win para kay Jerwin

RCadayona - Pilipino Star Ngayon
10TH-round ko win para kay Jerwin

Ang una sa tatlong pagkakataon na pinabagsak ni Filipino world boxing champion Jerwin Ancajas si Mexican challenger Israel Gonzalez. Kuha ng Top Rank

MANILA, Philippines — Gusto ni Filipino boxing sensation Jerwin Ancajas na mapahanga ang mga boxing fans sa una niyang laban sa United States.

At higit pa ang kanyang ginawa.

Umiskor si Ancajas ng isang tenth-round knockout victory laban kay Mexican challenger Israel Gonzalez para sa kanyang ikaapat na sunod na pagtatanggol sa hawak na International Bo­xing Federation super fly­weight crown sa US de­­but niya kahapon sa Ame­­rican Bank Center sa Cor­pus Christi, Texas.

Inihalintulad ng tubong Pa­nabo City, Davao del Nor­te ang kanyang sarili sa mas mga tanyag na si­na WBA champion Khalid Ya­fai, WBC king Srisaket Sor Rungvaisai at WBO title-hol­der Naoya Inoue.

“Highest level na rin po ang kalidad nila,” sabi ng 25-anyos na si Ancajas. “Kino-consider ko na mas mababa na champion ako sa kanila pero pinagsisika­pan ko na mapantayan si­la.”

Pinaganda ni Ancajas ang kanyang win-loss-draw record sa 29-1-1 kasama ang 20 KOs kasabay ng pagpigil sa eight-fight winning streak ng 21-anyos na si Gonzalez (21-2-0, 8 KOs).

Nauna nang tinalo ni An­cajas sa kanyang title defense sina Jose Alfredo Rodriguez ng Mexico (TKO 7th round sa Macau), Teiru Kinoshita ng Japan (TKO 7th round sa Brisbane, Aus­tralia) at Jamie Conlan (TKO 6th round sa Belfast, Ireland).

Unang napabagsak ni Ancajas si Gonzalez sa first round bago pinadapo ang matulis na straight left hand na nagpatumba sa Me­xican sa huling 1:34 mi­nuto ng 10th round.

Nang makatayo si Gonzalez ay kaagad siyang ni­rapido ni Ancajas at mu­ling napatumba ang challenger mula sa mas mabigat na straight left.

Tuluyan nang itinigil ni referee Rafael Ramos ang laban sa huling 1:50 mi­nuto ng tenth round.

Nauna nang ikinunsidera ni Bob Arum ng Top Rank Promotions si Ancajas bilang susunod sa mga yapak ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao.

“Hindi ko talaga naiisip na ikinukumpara ako kay Sir Manny, pero sinisipagan ko sa laban para kahit kaunti man lang maging katulad ni Sir Manny,” sabi ng tubong Panabo City, Davao del Norte na hindi pa natatalo simula noong Marso ng 2012.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with