PBA referees, officials sinuspinde
MANILA, Philippines — Maaaring nakakatawa ang nangyari sa huling 4.5 segundo ng fourth quarter sa 100-96 panalo ng Barangay Ginebra laban sa nagdedepensang San Miguel sa 2018 PBA Philippine Cup noong Linggo.
Ngunit hindi ito ikinatuwa ni PBA Commissioner Willie Marcial.
Hindi lamang player ang pinagbayad at sinuspinde ni Marcial kundi maging ang apat na referees at dalawang table officials sa naturang laro ng Gin Kings at Beermen.
Pinatawan ni Marcial ng three-week suspension si referee Jerry Borja na tumawag ng foul kay Sol Mercado ng Gin Kings laban kay Chico Lanete ng Beermen sa huling 4.5 segundo sa fourth quarter.
Ngunit imbes na si Lanete ang tumira ng foul shot, ang kanyang kakamping si Chris Ross, naglista ng 5-of-5 shooting sa charity line, ang pumukol ng free throw.
Ito naman ay pinayagan nina referees Noy Guevarra, Jimmy Mariano at Mardy Montoya.
Sina Guevarra (free throw administrator), Mariano (crew chief) at Montoya (fourth man) ay pinatawan ng one-week suspension dahil sa nangyari.
Sinuspinde rin ng isang linggo si veteran book scorer Lito Mendegoria at barker Noel Zarate na hindi ipinagbigay-alam sa mga referees ang nasabing pagkakamali.
Pinagbayad si Ross ng P25,800.
- Latest