Wolves pinatumba si James at ang Cavaliers
MINNEAPOLIS — Isa ang Minnesota Timberwolves sa mga koponang nabigong talunin si LeBron James.
Sa pagkakataong ito ay nagtayo ang Timberwolves ng 41-point lead bago matapos ang third quarter para pabagsakin ang Cavaliers, 127-99.
Kumamada si Andrew Wiggins ng 25 points sa tatlong quarters, habang nagdagdag si Jimmy Butler ng 21 markers at nadepensahan si James.
“We did what we're supposed to do at home,” wika ni Butler.
Humakot si Karl-Anthony Towns ng 19 points at 12 rebounds at kumolekta si Taj Gibson ng 16 points at 13 boards para sa Minnesota, dinomina ang Cleveland sa rebounding, 56-37.
Nagmula ang Timberwolves sa 116-98 panalo laban sa New Orleans Pelicans noong Sabado.
Nalimitahan naman si James sa 10 points mula sa 4-for-8 fieldgoal shooting.
Sa New York, nagpasabog si DeMar DeRozan ng 35 points, kasama ang go-ahead three-point play sa huling 26.1 segundo sa overtime para akayin ang Toronto Raptors sa 114-113 pagtakas sa Brooklyn Nets.
Naisuko ng Raptors ang 10-point lead sa huling 4:30 minuto ng regulation bago nagkaroon ng injury si Kyle Lowry sa overtime.
Sa New Orleans, humugot si DeMarcus Cousins ng 16 sa kanyang 20 points para tapusin ang naiwang trabaho ni Anthony Davis, nagkaroon ng ankle injury sa third quarter, at pangunahan ang Pelicans sa 112-109 panalo kontra sa Detroit Pistons.
Nagtala si Rajon Rondo ng 12 points at 15 assists.
- Latest