Pacquiao binalaan si Horn
MANILA, Philippines - Ibigay mo ang 100 porsiyento mo.
Ito ang mensahe ni eight-division world champion Manny Pacquiao para kay Australian Jeff Horn sa nakatakda nilang laban sa Hulyo 2 na gaganapin sa Brisbane, Australia.
“My message for him is to work hard, and make sure you're 100 percent conditioned on July 2 so we can give a good fight, we can entertain people,” wika ni Pacquiao na nagnanais bigyan ng magandang laban ang mga manonood.
Walang ideya si Pacquiao sa galaw ni Horn.
Kaya naman inihahanda na ng kanyang grupo ang tape ng tatlong huling nakalipas na laban ni Horn upang mapaghandaan ng Pinoy boxing sensation ang kanyang gagawing estratehiya sa laban.
“I don't know much about him, but I know he's a fighter. I haven't watched his fights yet, but I'm going to get his last three fights and watch it,” ani Pacquiao.
Wala pang talo si Horn sa kanyang 17 laban.
Impresibo ang panalo ng Australian pug sa kanyang huling tatlong laro na pare-parehong ginanap noong nakaraang taon.
Naitala ni Horn ang technical knockout laban kina Ali Funeka ng South Africa (sixth round) noong Disyembre 10 at Rico Mueller ng Germany (ninth round) noong Oktubre 21 habang nakuha nito ang referee technical decision laban kay Randall Bailey ng Amerika noong Abril 27.
Sa kabilang banda, galing si Pacquiao sa dalawang sunod na panalo - parehong unanimous decision - laban kina Jessie Vargas noong Nobyembre 5 at Timothy Bradley noong Abril 9.
Umaasa ang mga organizers na aabot sa 50,000 ang manonood ng live sa Pacquiao-Horn fight na idaraos sa Lang Park.
“It's been in the doldrums for some time. I think you'll find this will be the biggest fight in Australian history and you'll see the underdog (Horn) come through, and there's nothing like Australians supporting their own guys when they're underdogs,” sambit ni event promoter Dean Lonergan sa local media na ABC.
- Latest