^

PSN Palaro

Texters kukunekta ng panalo sa Road Warriors

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mula sa 21-point deficit ay nakabangon ang NLEX bago tumiklop laban sa Star, 103-105.

Ang naturang determinadong laro mula sa Road Warriors ang ayaw mangyari ni TNT Katropang Texters head coach Nash Racela sa kanilang pagkikita.

“NLEX is a dangerous team right now, almost winning against Star the last time,”  ani Racela. “We need to give our best effort defensively to have a chance.”

Makakatapat ng TNT Katropa ang NLEX nga­yong alas-4:15 ng hapon kasunod ang paghaharap ng San Miguel at Phoenix sa alas-7 ng gabi sa 2017 PBA Commissioner's Cup sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Pupuntiryahin ng Tropang Texters ang kanilang pangatlong sunod na panalo, habang hangad ng Road Warriors na mapa­sama sa win column.

Sa 92-89 tagumpay ng TNT Katropa laban sa Blackwater ay tumapos si import Donte Greene na may 22 points at 13 rebounds, ngunit nagtala ng malamyang 9-for-28 fieldgoal shooting.

“Personally, I'm not sa­tisfied with what he gave us,” wika ni Racela sa da­ting player ng Sacramento Kings sa NBA. “Hopefully, maipakita niya kung ano talaga ang kailangan niyang gawin.”

Inaasahan namang ita­tapat ng NLEX kay Greene si one-time PBA Best Import Wayne Chism, nagtala ng mga averages na 26.5 points at 19.5 rebounds.

Sa ikalawang laro, hangad naman ng Beermen at Fuel Masters ang kani-kanilang ikalawang sunod na arangkada.

Samantala, ang dalawang insidente sa kanilang laro ng Alaska noong Linggo kung saan nasangkot si Rain or Shine big man Beau  Belga ay may katapat na kaparusahan.

Pinatawan ng Office of the Commissioner ang 6-foot-6 na si Belga ng kabuuang P30,000 multa dahil sa dalawang pangyayari sa 102-105 pagkatalo ng Elasto Painters kontra sa Alaska Aces sa 2017 PBA Commissioner’s Cup.

Ang multang P20,000 ay para sa flagrant foul 2 ni Belga makaraang batuhin ng bola si 6’6 center Yutien Andrada, habang ang P10,000 ay ukol sa pagbangga niya kay Corey Jefferson habang nasa ere ang Alaska reinforcement.

vuukle comment

NASH RACELA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with