Martinez namamayagpag sa international figure skating tilt
MANILA, Philippines - Muling nagpamalas ng kanyang husay si Filipino top figure skater Michael Martinez sa katatapos na ISU Four Continents Championships na idinaos sa South Korea kama-kailan.
Si Martinez ay nakapagposte ng pinakamataas na pagtatapos sa hanay ng mga figure skaters mula sa Southeast Asia sa kanyang pagiging No. 14 sa men’s single category.
Ang kompetisyon ay nilahukan ng kabuuang 26 figure skaters mula sa Asya, United States, Oceana at Africa.
Ang naturang torneo ay magsisilbing basehan para sa darating na 2018 Winter Olympics na gagawin sa South Korea.
Samantala, kasalukuyang kumakampanya si Martinez sa 2017 Asian Winter Games sa Japan at susunod na lalahok sa 29th Southeast Asian Games at World Championships. Patuloy ang pagsuporta ng SM kay Martinez kung saan siya nagsimula bilang isang dating batang figure skater.
- Latest