^

PSN Palaro

Lady Eagles dinagit ang solong liderato

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinabagsak ng Ateneo ang reigning champion  La Salle, 26-24, 26-24, 21-25, 25-17 upang dagitin ang solong pamumuno sa UAAP Season 79 women’s volleyball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Tinapos ng Lady E­agles ang first round tangan ang 6-1 baraha habang nahulog sa ikalawang puwesto ang Lady Spikers na nagtamo ng 5-2 marka.

Balanseng atake ang inilatag ng Ateneo sa pa­ngunguna ni Michelle Mo­rente na solido ang ipinakita sa opensa at depensa.

Nagrehistro ang opposite hitter ng 20 attacks, tatlong blocks at dalawang aces habang humataw din ito sa floor defense nang maglista ng 19 digs at 12 receptions.

Nakatuwang ni Mo­ren­te si rookie Kat  Tolen­tino na naglista ng 16 kills at da­lawang blocks gayundin si Bea De Leon na nakakuha ng siyam na puntos.

Muling inilabas ni playmaker Jia Morado ang kanyang husay tangan ang 79 excellent sets.

Apat na manlalaro ng La Salle ang umani ng double digits - 15 mula kay Kim Dy, 14 galing kay Mary Joy Baron, 12 ang nakuha ni Aduke Ogunsanya at 10 hits at 76 sets naman ang itinarak ni Kim Fajardo - ngunit hindi ito sapat upang pigilan ang Lady Eagles.

Sa unang laro, mata­talim na pangil ang ibinaon ng University of Santo Tomas sa Far Eastern University, 25-16, 21-25, 26-24, 25-20  upang sakmalin ang ikaapat na panalo sa pitong laro.

Muling nasandalan ng Tigresses ang dating Rookie of the Year na si EJ Laure nang humataw ito ng 15 attacks at dalawang aces habang solido ang suportang ibinigay ni team captain Cherry Ann Rondina na naglista ng 14 puntos gayundin ni Dimdim Pacres na nagdagdag ng 12 puntos.

Lumasap ng ikatlong kabiguan ang Lady Tamaraws (4-3) para mahulog sa ikaapat na puwesto kasama ang Tigresses na may katulad na kartada.

Sa men’s division, nakumpleto ng Ateneo ang first-round sweep matapos dispatsahin ang La Salle, 25-21, 25-21, 25-18 upang mapatatag ang kapit sa solong pamumuno.

Nanaig din ang FEU laban sa UST, 25-19, 25-23, 25-22, para kapitan ang ikalawang puwesto tangan ang 5-1 baraha.

vuukle comment

ATENEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with