^

PSN Palaro

La Salle, Ateneo pukpukan sa itaas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Paglalabanan ng mortal na magkaribal na La Salle at Ateneo ang solong pamumuno sa pagpapatuloy ng UAAP Season 79 wo­men’s volleyball tournament ngayong hapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Maghaharap ang reig­ning champions Lady Spi-kers at last year’s runner-up Lady Eagles sa alas-4 habang inaasahang pukpukan din ang labanan ng Far Eastern University at University of Santo Tomas sa unang laro sa alas-2.

Magkasalo sa tuktok ng standings ang La Salle at Ateneo na parehong may 5-1 marka habang nasa ikatlo ang FEU at University of the Philippines na may magkatulad na 4-2 baraha kasunod ang UST (3-3) at National University (3-3).

Unti-unti nang natatagpuan ng La Salle ang ta­mang porma upang maitarak ang three-game winning streak.

Malaking tulong ang pag-angat ng laro ni middle blocker Aduke Ogunsanya upang tulungan sa depensa ang kapwa middle hitter na si Mary Joy Baron.

Nariyan din si veteran playmaker Kim Fajardo at libero Dawn Macandili na may magandang koneksiyon upang makabuo ng so­lidong plays habang numero unong inaasahan ng tropa si Season 78 Finals MVP Kim Dy - ang top sco­rer ng La Salle at ikaanim sa overall ranking sa liga.

“Kailangan naming ilabas ang A-game namin and be consistent. Kami ang defending champion kaya kailangan naming ipakita yung puso ng pagiging champion. Kahit na maraming nawala sa team, gusto naming patunayan na we can still do it,” ani Dy.

Subalit kailangan pa rin ng suporta partikular na mula kina open hitters Desiree Cheng at Ernestine Tiamzon upang higit na maging mabangis ang Lady Spikers.

Nakasakay naman ang Lady Eagles sa four-game winning streak.

Nagsilbing wake-up call para sa Ateneo ang tinamong 17-25, 13-25, 25-19, 29-27 kabiguan sa NU para maitarak ang sunud-sunod na panalo kabilang ang 25-14, 25-19, 25-21 demolis­yon sa title-contender UP.

Kukuha ng lakas ang Ateneo mula kina Jhoa­na Maraguinot at Michelle Morente - ang ikawalo at ikasiyam na best scorers sa liga - gayundin kay Bea De Leon na top spikers sa liga tangan ang 48.94 efficiency rating.

vuukle comment

UAAP SEASON 79

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with