^

PSN Palaro

Baby Tams iuuwi na ang korona

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sisikapin ng Far Eastern University-Diliman na kub­rahin ang kampeonato sa pakikipagtipan nito sa National University sa Game 2 ng UAAP Season 79 juniors basketball best-of-three finals ngayong hapon sa The Arena sa San Juan City.

 

Magpapang-abot ang Baby Tamaraws at Bullpups sa alas-2 ng hapon.

Kinapitan ng Baby Ta­maraws ang 1-0 kalama­ngan sa serye matapos itakas ang pahirapang 66-65 panalo laban sa Bullpups sa Game 1 noong Martes.

Ngunit aminado si Baby Tamaraws coach Allan Albano na muling daraan sa matinding pagsubok ang kanyang tropa bago makuha ang korona.

“Nawalan kami ng killer instinct kaya ang baba ng score namin, nine points lang sa fourth quarter. Yung fluidity ng offense, nawala,” ani Albano.

Hindi rin madali para sa Baby Tamaraws na depensahan si Bullpups ace John Lloyd Clemente na kumana ng 25 puntos sa Game 1.

Kinakailangan din ng FEU-Diliman ng solidong depensa kina NU frontli­ners Rhayyan Amsali at Karl Peñano sa shaded lane.

Kaya naman sasandal ang Baby Tamaraws kina LJ Gonzales, Kenji Roman, Xyrus Torres at Jack Gloria upang maduplika ng kanilang bataan ang series opener win laban sa Bullpups.

Maganda ang inilaro ni Gonzales na may double-double na 10 rebounds at 10 assists sa Game 1. (CCo)

 

vuukle comment

UAAP SEASON 79

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with