^

PSN Palaro

Lady Blazers, Red Spikers laglagan

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Lady Blazers, Red Spikers laglagan
Iniwas ni Marvien Castillo (9) ng defending champion Perpetual Help Junior Altas ang bola para tuluyan niyang maihulog sa court ng EAC-ICA Brigadiers habang nakadepensa si Michael Vince Imperial (1) sa tagpong ito sa pagtatapos ng elimination ng NCAA season 92 Juniors volleyball tournament sa Filoil Flying V Arena sa San Juan City.

MANILA, Philippines - Ibubuhos na ng nagdedepensang College of St. Benilde at San Beda College ang buong pu­wersa nito sa paglarga ng knockout phase ng step­la­d­der semis sa  NCAA Season 92 women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Magtutuos ang Lady Blazers at Red Spikers sa alas-4 ng hapon kung saan ang magwawagi ang siyang haharap sa Arellano University na nagtataglay ng twice-to-beat card sa second phase ng stepladder semis.

Nakuha ng Benilde ang No. 3 seed nang payukuin ang San Beda, 25-19, 25-23, 17-25, 25-18 sa playoff noong Biyernes.

Sanay na ang Lady Bla­zers sa ganitong sitwasyon.

Ganito rin ang pinagdaanan ng Benilde noong nakaraang taon nang isa-isa nitong payukuin ang kanilang karibal kabilang na ang thrice-to-beat San Sebastian College para makuha ang kampeonato.

“We've been in this kind of situation before like what happened last year we came all the way back from No. 4 to become champion. We hope we could do it again,” ani St. Benilde coach Macky Carino.

Lalarga rin ang bakbakan sa men's division, tampok ang duwelo ng Benilde at Arellano sa alas-2 ng hapon at ng reigning titlist University of Perpetual Help System Dalta at ng San Beda sa alas-11:30. Parehong may twice-to-beat and Blazers at Altas.

Nakuha ng Blazers ang top seeding nang talunin ang Altas, 25-21, 25-23, 25-14 sa playoff.

Sa juniors, haharapin ng Emilio Aguinaldo College ang Perpetual Help sa stepladder semis sa alas-9 ng umaga kung saan armado ang una ng twice-to-beat card.

Target ng Brigadiers na maiselyo ang pakiki­pagtuos sa Lyceum of the Philippines na una nang nagmartsa sa finals matapos walisin ang pitong asignatura sa eliminasyon para mabiyayaan ng thrice-to-beat.

vuukle comment

LADY BLAZERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with