^

PSN Palaro

Bolts lumakas uli ang boltahe Elasto Painters kinuryente

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Bolts lumakas uli ang boltahe Elasto Painters kinuryente
Naghanap ng mapapasahan si Jewel Ponferada ng Rain or Shine nang ma-trap sa depensa nina Justin Chua at Cliff Hodge ng Meralco sa PBA Commissioners’ Cup.
Joey Mendoza

MANILA, Philippines - Si point guard Jonathan Uyloan ang nagpasimula sa paglayo ng Bolts at siya rin ang sumelyo sa kanilang panalo.

Tinapos ng Meralco ang kanilang six-game losing slump makaraang patumbahin ang Rain or Shine, 82-72 sa 2017 PBA Philippine Cup kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Ang ikatlong panalo sa 10 laro ang bumuhay sa pag-asa ng Bolts na makasama sa eight-team quarterfinals cast.

“We’re keeping our hopes up,” sabi ni Bolts coach Norman Black. “We’re hoping the other teams lose. Basically we don’t have control of our destiny.”

Ito naman ang ikala­wang sunod na kabiguan ng Elasto Painters sa siyam na laban na dumiskaril sa kanilang asam na playoff para sa ikalawang quarterfinals seat.

Umiskor si Uyloan ng 11 points, tampok dito ang tatlong three-point shots, para tulungan ang Meralco na itayo ang 15-point lead, 35-20 sa Rain or Shine sa first quarter.

Binitbit ng Bolts ang 49-35 kalamangan sa halftime hanggang makalapit ang Elasto Painters sa 54-61 agwat sa huling 2:07 ng third period.

Naghulog ang Meralco ng 13-0 bomba para mu­ling makalayo at ilista ang 16-point advantage, 77-61 laban sa Rain or Shine sa 5:46 minuto ng laro.

Tuluyan nang sinelyuhan ni Uyloan ang panalo ng Bolts matapos isalpak ang isang triple sa nattirang 40 segundo.

Tumapos si Uyloan na may 14 points sa ilalim ng 19 at 17 markers nina Chris Newsome at Cliff Hodge, ayon sa pagkakasunod, para sa Meralco, natalo sa Barangay Ginebra sa nakaraang 2016 PBA Go­vernor’s Cup best-of-seven championship series. 

Meralco 82 - Newsome 19, Hodge 17,  Uyloan 14, Al-Hussaini 10, Chua 9, Hugnatan 4,  Dillinger 3, Daquioag 2, Grey 2, Amer 0.

Rain or ShineE 72 - Yap 17, Ponferada 11, Chan 9, Cruz 9, Belga 7, Trollano 7, Washington 6, Tiu 4, Norwood 2, Ahanmisi 0, Matias 0.

Quarterscores: 35-20; 49-35; 68-56; 82-72.

vuukle comment

2017 PBA PHILIPPINE CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with