^

PSN Palaro

Cone at Compton pinagmulta

TOP OF MIND - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa kanilang mga iginawi ay pinagmulta ng PBA Commissioner’s Office sina coaches Tim Cone ng Barangay Ginebra at Alex Compton ng Alaska sa kasalukuyang 2017 Philippine Cup.

Minultahan si Cone, ang two-time PBA Grand Slam champion mentor, ng P5,000 dahil sa pag-entra sa court nang magkapormahan sina Hodge at rookie Kevin Ferrer sa laro ng Ginebra at Meralco noong Sabado sa Iloilo City kung saan tinalo ng Gin Kings ang Bolts, 83-72.

Si Compton ay pinagmulta ng P6,000 dahil sa pang-aasar sa mga referees sa 97-90 overtime win ng Aces laban sa Star Hotshots.

Samantala, pinatawan naman si Mahindra defender Mark Yee ng multang P25,000 dahil sa kanyang flagrant foul penalty two kay Meralco sophomore guard Baser Amer na nagresulta sa kanyang pagkakatalsik sa larong naipanalo ng Floodbusters laban sa Bolts, 105-92.

Pinagmulta rin si Meralco forward Cliff Hodge ng P3,000 dahil sa flopping sa kanilang laro ng Mahindra, habang ang kanyang kakamping si Justin Chua ay pinagbayad ng P7,500 bunga ng kanyang flagrant foul penalty (landing spot).

Ang iba pang players na pinatawan ng multa ay sina Kevin Alas (P5,000) ng NLEX dahil sa ‘tripping foul’ sa kanilang laro ng Globalport noong Biyernes at Vic Manuel (P5,000) ng Alaska bunga ng flagrant foul penalty one sa kanilang bakbakan ng Blackwater.

vuukle comment

CONE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with