Pacquiao susubukan ang Aussie boxer sa Abril
MANILA, Philippines – Itataya ni Manny Pacquiao ang kaniyang WBO welterweight title sa bakbakan nila ng Australian boxer Jeff Horn.
Kinumpirma ni Top Rank Inc. chief Bob Arum ang laban kay Dan Rafael ng ESPN.
Sinabi ni Arum na kasado na ang laban matapos silang magkasundo ng Duco Events na may hawak sa 28-anyos na si Horn.
Hindi pa alam kung saan gagawin ang laban ngunit nakatakda ito sa Abril 22.
Balak umano ni Arum na gawin ito sa Australia o sa United Arab Emirates (Dubai or Abu Dhabi).
Tangay ng isang school teacher sa Australia ang 16-0-1 na kartada
Nitong Nobyembre lamang ay nasungkit ni Pacquiao ang titulo kay Jessie Vargas sa Las Vegas.
- Latest