^

PSN Palaro

PSC hihimayin ang preparasyon ng Pinas sa Malaysia SEAG

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ang kampanya ng Team Philippines sa dara­ting na 29th Southeast Asian Games ang tampok sa agenda sa paghaharap ngayon ng mga opisyales ng Philippine Sports Commission at mga presidente ng mahigit 41 National Sports Associations (NSAs) sa isang consultative mee­ting na gaganapin sa Tagaytay City.

Pangungunahan ni PSC chairman William “Butch” Ramirez ang pagpupulong para ipaabot sa mga opisyales ng iba’t ibang NSAs ang kanyang estriktong pag-iingat ng pondong ibibigay ng gobyerno para tulungan ang mga atleta ng bansa.

Dahil nagbabakasyon pa sa Amerika si Philippine Olympic Committee (POC) president Peping Cojuangco, si Tom Carrasco, dating chairman ng POC, ang siyang kakatawan sa una sa nasabing pagpupulong.

Ayon sa inilabas na detalye ng dalawang araw na pagtitipon, lahat ng NSAs ay magbibigay ng report tungkol sa kanilang programa sa taong 2017 lalung-lalo na sa darating na 2017 SEA Games na gaganapin sa Kuala Lumpur, Malaysia sa darating na Agosto 19-31.

Hangad ni Ramirez na umangat muli ang Team Philippines pagkatapos bumagsak sa ika-pitong puwesto noong 2013 sa Myanmar at ika-anim na puwesto sa Singapore.

Sinabi ni Ramirez na dapat magpadala lamang ang bansa ng mga atletang karapat-dapat sa Kuala Lumpur SEAG. Ngunit marami ring mga NSAs kabilang na si Cojuangco na gustong ipadala rin ang mga baguhan para sa tinatawag na exposures.

Nagsumite naman ng mahigit  650 atleta ang POC sa Kuala Lumpur SEA Games Organizing Committee noong nakaraang buwan sa ibinigay na deadline ng submission ng entry by number.

Pero ayon kay Dave Carter ng judo, miyembro ng SEAG Task force na ma­bawasan pa ito pagda­ting ng final submission ng entry by names.

vuukle comment

TEAM PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with