^

PSN Palaro

Bulls sinamantala ang kulang sa taong Cavs

Pilipino Star Ngayon
Bulls sinamantala ang kulang sa taong Cavs
Pinagtulungan nina Kay Felder at Jordan McRae ng Cavs si Jimmy Butler ng Bulls.

CLEVELAND - Ipinaalala ng Chicago Bulls kay LeBron James ang pakiramdam bilang nag-iisang star player ng Cavaliers.

Kumamada si Jimmy Butler sa fourth quarter nang umiskor ng 10 sunod na puntos sa krusyal na bahagi para akayin ang Chicago Bulls sa 106-94 panalo laban sa Cleveland.

Naglaro ang Cavaliers na wala sina Kyrie Irving at Kevin Love, habang hindi naman 100 percent ang kondisyon ni James.

Humugot si Butler, humataw ng 52-point game laban sa Charlotte, ng 14 sa kanyang 20 points sa fourth period, para tulungan ang Chicago na malampasan ang pagbangon ng Cleveland.

Tinapos din ng Bulls ang 13-game winning streak ng Cavaliers kung saan  nasa lineup si James.

“The guy who wears No. 3 on this team came to me and was like, ‘Win the game,’” sabi ni Butler kay Dwyane Wade. “So I guess a switch cut on. I knew I was going to have to do that in the fourth anyway, but with him telling me that, you can’t let D-Wade down.”

Tumapos naman si James, nilalabanan ang sipon at sakit ng ulo sa nakaraang mga araw, na may 31 points, 8 rebounds at 7 assists sa loob ng 37 minuto.

Ito ang ikatlong laro na iniupo ni Irving dahil sa kanyang hamstring, habang nagrerekober naman si Love mula sa food poisoning.

Sa Oakland, California, nagpasabog si Stephen Curry ng 35 points kasama ang limang three-pointers, habang nag-ambag si Kevin Durant ng 30 points at 3 blocked shots para pamunuan ang Golden State Warriors sa 125-117 panalo laban sa Portland Trail Blazers.

Nagdagdag si Zaza Pachulia ng 13 points at pinantayan ang kanyang career high na 3 blocks para sa siyam na sunod na home win ng Warriors.

Nagtala si Klay Thompson ng 14 points at nagposte si Draymond Green ng 11 assists, 9 points at 7 rebounds.

Umiskor naman si C.J. McCollum ng 35 points para sa Portland na hindi nakuha ang serbisyo ni Damian Lillard.

Sa iba pang resulta, tinalo ng Atlanta Hawks  ang Orlando Magic, 111-92; tinakasan ng Milwaukee Bucks ang New York Knicks, 105-104; pinigilan ng Miami  Heat ang Sacramento Kings, 107-102 at binigo ng Los Angeles Clippers ang Portland Trail Blazers, 115-106.

 

vuukle comment

CHICAGO BULLS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with