^

PSN Palaro

Pilipinas umani ng papuri sa mga itinaguyod na world class events

DEAR DJ JACKY G., - Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling nagningning ang Pilipinas sa pagdating ng mga world-class athletes matapos magtaguyod ang bansa ng kaliwa’t kanang malalaking kumpetisyon kabilang na ang FIBA Olympic Qualifying Tournament noong Hulyo at FIVB Women’s Club World Championship na parehong ginanap sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Mainit na tinanggap ng Pilipinas ang mga mahuhusay na manlalaro sa FIBA Olympic qualifying mula sa France, Senegal, Turkey, Canada at New Zealand.

Hindi umusad sa semis ang Gilas Pilipinas nang matalo ito sa France (84-93) at New Zealand (89-80).

Sa huli, itinanghal na kampeon ang France na nagtala ng 83-74 panalo laban sa Canada para masungkit ang kanilang tiket sa Rio Olympics.

Mismong si San Antonio Spurs guard Tony Parker ng France ang nakumpirma ng magandang pagtanggap ng Pinoy fans kaya nangako itong muling babalik sa bansa upang bigyang kasiyahan ang libu-libong tagahanga nito at posibleng pagbisita sa ilang kilalang tourist spots sa bansa.

Hindi rin makapaniwala si tournament Most Valuable Player Nando De Colo sa popularidad ng basketbol sa Pilipinas.

Maganda ang markang nakuha ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa FIBA dahil sa organisadong pagtataguyod ng naturang Olympic qualifiers.

Kaya’t malaki ang posibilidad na muling makakuha ang Pilipinas ng karapatang maging host sa mga susunod na torneo ng FIBA dahil sa magandang impresyong ibinigay ng Pilipinas.

Isang learning experience rin ang pagkatalo ng Gilas Pilipinas para sa mga susunod na torneong lalahukan nito partikular na ang kwalipikasyon sa 2019 FIBA World Cup at sa 2020 Tokyo Olympics.

Hindi man naabot ng Gilas Pilipinas ang minimithing pagbabalik sa Olympics ngunit ang karanasang nakalap nito sa FIBA Olympic Qualifying ang magsilbing unang hakbang upang unti-unting makamit ang tagumpay sa mga susunod na taon.

Sa FIVB Women’s Club World Championship, nakipagsabayan ang Philippine Superliga Selection - na binubuo ng pitong Pinay at pitong foreign reinforcements - laban sa malalakas na koponan sa mundo.

Hindi rin umabante ang Pinay spikers nang yumuko ito sa Eczacibasi Vitra ng Turkey, Pomi Casalmaggiore ng Italy at Rexona-Sesc ng Brazil sa group stage at sa Hisamitsu Springs ng Japan at Bangkok Glass ng Thailand sa classification round.

Bumandera sa PSL Selection sina Jaja Santiago, Jovelyn Gonzaga, Mika Reyes, Ces Molina, Kim Fajardo, Jen Reyes at Rachel Anne Daquis kasama sina imports Stephanie Niemer, Yevgeniya Nyukhalova, Ekaterina Krivets, Yuri Fukuda, Tichaya Boonlert, Lynda Morales at Lindsay Stalzer.

vuukle comment

FIBA OLYMPIC QUALIFYING TOURNAMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with