^

PSN Palaro

We’re the underdogs - Baldwin

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
We�re the underdogs - Baldwin
La Salle Coach Aldin Ayo, Ateneo Coach Tab Baldwin

MANILA, Philippines - Selyado na ang tinaguriang “dream match” sa pagitan ng Ateneo de Manila University at De La Salle University sa UAAP Season 79 men’s basketball tournament na nakatakdang rumolyo bukas sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Magkaibang daan ang tinahak ng Blue Eagles at Green Archers bago makatungtong sa best-of-three championship showdown.

Dumaan sa butas ng karayom ang Ateneo sa Final Four kung saan kinailangan nitong pigilan ang matikas na hamon ng Far Eastern University.

Binasag ng Tamaraws ang twice-to-beat advantage ng Blue Eagles sa bisa ng 62-61 panalo para maipuwersa ang rubber match. Subalit kinatigan ng suwerte ang Ateneo nang makuha nito ang pahirapang 69-68 overtime win sa FEU noong Miyerkules para tuluyang angkinin ang silya sa finals.

Sa kabila ng magandang inilalaro ng kanyang tropa, naniniwala si Ateneo mentor Tab Baldwin na underdogs ang kanyang bataan.

“We are the underdogs. That was a team that beat us soundly,” ani Baldwin.

Subalit hawak ng Ate­neo ang karangalan bilang bukod-tanging koponan na nakatalo sa La Salle sa eliminasyon nang itarak nito ang 83-71 panalo sa second round noong Nobyembre 5.

At ito ang nais duplikahin ng Blue Eagles sa oras na magkrus ang kanilang landas sa finals.

“We have some momentum. We are going to stand in front of them,” ani Baldwin.

Nagkaroon naman ng mahabang pahinga ang La Salle dahil mabilis nitong dinispatsa ang Adamson University sa hiwalay na Final Four match.

Para kay Green Archers head coach Aldin Ayo, magandang pagkakataon ang mahabang pahinga upang lubos na maihanda ang katawan ng kanyang tropa para sa mas mabigat na labang haharapin nito sa finals.

Mataas din ang moral ng La Salle na gigil na makabawi sa kanilang kabiguan sa second round.

“We’re motivated. Ready ang mga bata. This is the finals and we have to be ready at all times. Nakatutok na kami ngayon sa Ateneo dahil before, hindi pa namin alam kung sino ang papasok (sa finals) kaya dalawang game plan ang ini-ensayo namin,” ani Ayo.

Tiwala si Ayo na hindi kakalawangin ang kanyang bataan sa kabila ng mahabang pahinga.

Sa katunayan, nagsanay ang La Salle sa Smart-Araneta Coliseum matapos ang bakbakan ng FEU at Ateneo noong Miyerkules.

“Ginamit namin yung day off para maayos ang sistema namin. Malaking tulong sa amin yung mahabang pahinga. Kung sino ang mas determinado, yun ang mananalo,” dagdag ni Ayo.

vuukle comment

UAAP SEASON 79

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with