Ceasefire panawagan ni Araneta kina Cojuangco at Vargas
MANILA, Philippines - Magkakaroon lamang ng win-win solution tungkol sa isyu para sa darating na Philippine Olympic Committee (POC) elections kung mag-uusap ang magkabilang panig.
“Kailangan mag-usap sila (They must talk),” sabi kahapon ni Philippine Football Federation (PFF) president Nonong Araneta.
Tinukoy ni Araneta ang nakaambang suspensyon ng International Olympic Committee (IOC) sa Pilipinas kung hindi mareresolbahan ang usapin sa POC elections.
Diniskuwalipika ng POC election committee sa pamumuno ni Frank Elizalde si Association of Boxing Alliances of the Philippines (ABAP) president Ricky Vargas para sa presidential candidacy nito sa Nov. 25 elections.
Determiando si Vargas na hamunin si Jose “Peping” Cojuangco, ang pangulo ng Equestrian Federation of the Philippines (EFP), para sa POC presidency.
Sinabi ni Araneta na kailangan ng ceasefire ng mga grupo nina Vargas at Cojuangco.
“I agree,” sambit ni Araneta, kamakailan ay nanawagan na idiskuwalipka ng POC COMELEC si Cojuangco dahil sa age limit (70 years) na siyang ipinatutupad ng IOC ngunit hindi ng POC.
Ayon kay Vargas, idinahilan ng POC election committee ang kanyang “inactivity” bilang POC member at hangad na dalhin ang usapin sa korte.
Nananalig ang kampo ni Vargas, umaasa sa suporta ng iba pang mga NSAs (national sports associations) na kaanib ni Manny V. Pangilinan, na makakakuha sila ng TRO (temporary restraining order) bago ang eleksyon.
- Latest