^

PSN Palaro

Puwedeng bumagsak sa fourth o fifth round Vargas may paglalagyan kay Pacquiao -- Roach

Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon
Puwedeng bumagsak sa fourth o fifth round Vargas may paglalagyan kay Pacquiao -- Roach
Ang pagtakbo ni Manny Pacquiao sa UNLV track and field.
Philboxing.com

LAS VEGAS – Kapag su­mobra ang pagiging ag­resibo ni Jessie Vargas ay malamang na matapos ang laban nila ni Manny Pac­quiao sa loob ng limang rounds.

Ito ang babala ni trainer Freddie Roach sa pana­yam sa kanya ng mga mi­yembro ng media sa press room sa Wynn Hotel.

Tinanong si Roach kung paano niya ilalarawan si Vargas, idedepensa ang suot na WBO welterweight crown laban kay Pacquiao bu­kas (Manila time) sa Thomas & Mack Center.

Ayon kay Roach, si Vargas ang tipo ng boksingero na gustung-gustong maki­pagsabayan at walang inu­urungan.

Sinabi ng Hall of Fame trainer na ito ang magiging pinakamalaking pagkaka­ma­li ni Vargas.

“Pretty much he likes to come forward and he likes to fight and he likes to exchange, and Manny is the same and he likes that. It should be a really, really good fight,” sabi ng bo­xing guru.

“But I think if he (Vargas) becomes too aggressive he might get knocked out maybe early like four or five rounds. Manny will knock him out I think,” dagdag pa nito.

Ito ang unang pagka­kataon na nagbigay si Roach ng numero kung ka­ilan mapapatumba ni Pac­quiao ang kanyang ka­laban.

Hindi niya kinumpirma ka­makalawa ang nauna niyang pahayag na hindi aabot ng 12 rounds ang WBO welterweight title fight nina Pacquiao at Vargas.

“I never said it’s gonna be a short fight,” wika ni Roach.

Ngunit dalawang araw bago ang laban at sa bis­peras ng official weigh-in ay tiniyak ni Roach na ma­aagaw ni Pacquiao ang WBO crown ni Vargas.

Ngayon ay inaasahan niyang mapapatumba ni Pacquiao si Vargas sa loob ng limang rounds.

Ilang lamesa lamang ang layo ng chief trainer ni Vargas na si dating kick-bo­xer Dewey Cooper at ipinaalam sa kanya ang pre­diksyon ni Roach.

“I think it’s a bold prediction and I don’t think it will happen. If anyone’s gonna get knocked out it will be Manny,” wika ni Cooper.

“What round?” tanong ni Cooper.

“I don’t want to predict rounds. All I can predict is that we will be victorious. I don’t want to have false ex­pectations but we will be victorious,” ani Cooper. “Emotions are getting the better of Freddie.”

Matapang na sinabi ng 27-anyos na si Vargas ka­makailan na kaya niyang pa­tulugin si Pacquiao sa pa­­mamagitan ng isang sun­tok.

Sa mga naunang laban ni Pacquiao ay sinasabi ni Roach kung anong round ma­papabagsak ng kanyang alaga ang kalaban.

Ngunit sa nakaraang pi­tong taon ay hindi ito nangyayari.

Huling nagtala si Pacquiao ng KO victory noong Nobyembre ng 2009 matapos pasukuin si Miguel Cot­to sa 12th round.

Matapos ito ay nabigo na si Pacquiao makaiskor ng KO win kontra kina Jo­shua Clottey, Shane Mos­ley, Brandon Rios, Chris Algieri at Timothy Bradley, Jr.

“This is the best camp I’ve seen him settle into this weight class. I’ve never seen him better than this training camp. Between the Philippines and here it’s been one of the best camp,” ani Roach.

vuukle comment

FREDDIE ROACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with